Tuesday, May 24, 2011

Upos

Sa usok ng sigarilo'y pinapatay ko ang sarili ko.
Sana'y kaya rin nitong patayin, ang alaala mo.
Ikaw, na alaala ng isang masayang tag-araw,
at malamig na tag-ulan.
Na siyang naging dahilan ng pusong duguan,
at buhay na luhaan.
Ikaw, na siyang naging ilaw sa isang sandali,
at kadiliman na hindi maihawi.


Posted on Facebook: Thursday, March 18, 2010 at 6:28pm

1 comment:

  1. ..nu bang meron sa sigarilyo why most folks these days are gettin' hooked up with it, huh?... ...masubukan kea one tym...hehehe...adik.. this piece reminded me this day when i first did some tagalog sonnets...and it reads so awkward kea i never attempt again to write in tagalog...hehe... nice one.(:

    ~Kelvin

    ReplyDelete