Nakilala ko siya nung ako ay 17 na taong gulang pa lamang (28 na ako ngayon) at
siya naman ay 16. Uso pa ang chat sa MIRC ‘nun. Adik ako sa kakachat doon. May
kamahalan pa ang internet noon kaya sinusulit ko ang bawat oras at minuto na
naka-online ako at nagchachat. Naalala ko pa noon, ang MIRC ay kung saan
nagchachat talaga ang mga tao, nag-uusap talaga sa “main room” at may “interactions”
na nangyayari, ‘di tulad sa panahon
ngayon na kung saan ang mga chatters sa MIRC ay walang ginawa kung hindi mag-post ng mag-post ng mga gusto at kasalukuyang kailangan nila na tila ba isa
malaking real-time na Buy and Sell na lugar ang chat, parang
sosyal na palengke ng mga naghuhumindig na mga kalamnan at kung anu-anu pa.
Ang tagal na rin pala naming magkakilala ni PJ. Nabigyan
kami ng pagkakataong magkita ng personal nung ang #Salsalan ay bago-bago pa
lamang. #Bi-Manila ang sikat na sikat na chatroom noon sa mga lalaking
naghahanap ng kapwa lalake. Nakilala ko ang isa sa mga Operator ng #Salsalan at
niyaya akong sumama sa kanilang EB sa may UST, na naging sa loob pala ng
UST. Sumama ako, medyo malayo-layo ang
biniyahe ko ‘nun, kasi taga Rizal pa ako nung mga panahong ‘yun. Marami akong
nakilala, ngunit si PJ ang naiiba. Naka-blusang itim kasi at may cutix na itim
ang mga kuko sa daliri, fit na pantalon na halatang pambabae at sapatos na parang
pambabae. Sa isang grupong punong-puno ng mga baklang discreet daw, si PJ ang
baklang-bakla.
Parang alang kumakausap sa kanya nung gabing ‘yun, bukod sa
pagirl kasi siya, mukhang mataray din kasi. Nilapitan ko siya at kami’y
nagkakilala. Mula ng gabing iyon, kami na palagi ang naguusap at magkasama,
kasali na rin ang Operator ng #Salsalan na dahil sa ka-close namin ay binigyan
kami ng Operator Acess sa channel na
‘yun na mahirap makuha, na hindi naman namin ginamit, aanhin ba kasi namin ‘yun?
Madalas kaming lumabas noon, si kuya Operator ang aming taga-gastos, pulubi pa kasi ako ‘nun, si PJ
naman ay sapat lang sa pambaon niya sa kolehiyo ang pera. Kung saan-saan din
kami napadpad, tatlong baklang magkakaibigan na iba-iba ang lebel ng
pagka-bakla; mula sa lalaking-lalake na hindi daw siya chumuchupa at exclusive top daw siya, isang medyo
halatang bakla na payatot, at isang pa-girl. Masaya kaming tatlo ng mga
panahong iyon, mga bata pa kasi at mga wala pa masyadong iniisip sa buhay. Nag-ma-Malate
na kami ‘nun sa murang edad, napadpad pa nga kami sa may Quiapo dahil may isang
lugar doon na tambayan ng mga bakla, mala-beerhouse ang dating, Cocoon yata ang
pangalan na naging Butterfly pagkalipas ng ilang buwan. Sinali pa nila ako sa
isang contest sa Jeff’s Café sa may Philippine Women's University nanalo naman ako ng 3rd
place sa limang contestants. Wala naman akong ginawa kung hindi maghubad at
magpacute. Hindi pa uso ang cellphone ‘nun kaya sa landline kami
nagtetelebabad. 3-way pa nga eh, may techniques din kaming alam para malaman
kung call-waiting kami o hindi. Inaabot kaming tatlo ng umaga sa kakatelebabad
at sa kakapakilala sa kung sinu-sinung lalakeng chatter sa telepono. Nagtatago
pa ako sa ilalim ng hagdanan para hindi ako marinig sa taas at mapagalitan ng
aking mommy ko. Naging saksi din ako sa mga naging lalake ni PJ, at nasaksihan din
niya kung sinu-sino ang mga nakahumalingan kong lalake. May mga pagkakaton pa
nga na naka-date pala niya ang ilan sa mga ni-date ko o mga nanligaw sa akin.
Hanggang sa nakilala ko si Angel.
Ayaw ni PJ kay Angel (hanggang ngayon), dahil sa tingin niya
ay hindi naging makatarungan si Angel sa pagpipigil ng mga bagay na gusto kong
gawin. Sa opinyon niya ay nawalan daw ako ng kabataan. Lumipas ang ilang taon,
magkaibigan pa rin kami ni PJ. Hanggang sa naghiwalay kami ni Angel pagkaraan
ng anim na taon. Hanggang sa may ilang lalake pa akong nakilala na nagpatibok
ng puso ko, kinalokohan ko, iniyakan ko, kinabaliwan ko, at kung ano-anu pa.
Naging saksi si PJ sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ko.
Naalala ko pa ang gabi na sinabi ko sa kanyang may HIV na
ako. Hinding-hindi ko makakalimutan kong paano siya umiyak at sinabing “akala
ko ako ang mauuna sa ating tatlo, ikaw pa rin pala, because you are the best slut in town”. Mas umiyak pa siya kaysa sa akin nung nalaman
ang kundisyun ko. Natulog ako sa bahay niya nung gabing iyon. Gumising ako na
gising pa siya at nagreresearch tungkol sa kundisyon ko, ang mga batas, ang mga
dapat gawin, at kung paano niya ako matutulungan. Makaraan ng ilang linggo, may
mga ilang bote na ako ng mga supplements na binili niya pa sa Amerika para sa
akin. Para bumagal daw ang pagbaba ng immune
system ko. Ngunit ayun sa mga tests ng CD4 ko, mabilis pa rin ang pagbagsak
ng katawan ko.
Malapit na ang kaarawan ni PJ. Sa parehong buwan kami
pinanganak, at simula nang maging magka-opisina kami ay sabay na kaming naghahanda sa opisina para
sa kaarawan naming dalawa.
Mahigit isang dekada na rin tayong magkaibigan, PJ. Maraming
salamat sa lahat ng pag-gabay mo sa akin at sa mga naitulong mo. Ngayong gabi
habang sinusulat ko itong sulat na ito sa loob ng iyong bahay, sa iyong
sofa, ay inaalala ko ang mga malulungkot
at masasaya nating mga araw, mula nung tayo ay mga neneng-baklita pa hanggang
sa ngayong medyo thunders na. Naalala mo
ba noong sinusundo pa kita sa kolehiyo mo at nakikiseat-in ka pa sa klase ko at
ikaw ang sumasagot para sa akin at ginagawan mo pa ako ng mga bagong projects sa
Database Management kong subject?
Kaya ako napeperfect sa subject na iyon? Salamat ng marami! Salamat sa
pagkakaibigang singtibay ng baklang inapi ng panahon. Hindi man tayo inaping
mga becks, mas matibay pa tayo sa api, mas matibay at malakas pa ang
pagkakaibigan natin kaysa sa mga hagupit ng mga bagyo. Pasenysa ka na pala sa
mga panahong nabalewala kita dahil sa mga kinalokohan kong lalake noon.
Napatunayan ko na naman sa sarili ko ngayon, na ang mga lalake, dumarating at umaalis,
nawawala, pero ang tunay na kaibigan, andyan pa rin, anu man ang mangyari, at hamak na mas importante.
Salamat sa maraming taong pinagdaanan natin at sa marami
pang darating pa. Andito lang ako, ang kaibigan mo. Alay ko sa iyo itong sulat
na ito, isang pasasalamat sa pagkakabigang totoo. Pangako ko sa iyo, ako ay narito lamang kapag kailangan mo. Sandalan mo ako kapag gusto mo, at hawak kamay nating lalakbayin ang mundong ito, hanggang sa iyong huling hininga, andun ako, sa tabi mo.
Si PJ ay isang paminta na ngayon, guwapo, matangkad, maputi, medyo mabuhok, chinito, may sariling gym sa bahay, at hindi na nagsusuot ng blusang itim.
nakakainspire kayo. :)
ReplyDeleteaaawww! lintek! first time ko naluha dahil sa isang blog..
ReplyDeletetakte!
May mga kaibigan talagang ganyan no? Mas praning pa kesa sayo.hehe ;)
ReplyDeleteHeart-warming :)
ReplyDeleteSumasabay pa ang kanta sa blog mo :')
Sana may ganyan din akong friends (Baka meron na nga, untested lang)
Sana yung mga naging friends ko the past two months sa iniwanan kong call center, manatili kong friends for life. I envy you because you have a friend like PJ. One reason kaya madalang ang PJs sa buhay ko ay closeted ako. Sana may dumating na PJ sa buhay ko ngayong mas confident na akong umamin.
ReplyDeleteAaaaaaw.. ang sweet!! It's nice to have a friend like PJ. You are blessed. (:
ReplyDeleteGot to read this again and now I'm logged in. Gusto ko lang sabihin na nakakatuwa naman ang relationship ninyo, the way it flourished and kung nasaan kayo ngayon.
ReplyDeletetrue friends are really rare. gift sila from God. stay strong. love reading your blog :)
ReplyDeleteeveryone have someone else.. this is really sweet.. cheers for friendship and God bless you both.. ;)
ReplyDeletelove this post of yours :)
ReplyDeleteyung meron kayo ni PJ is a testament how priceless genuine friendship is :)
I'm someone who's at the crossroads of life too. Thanks to letters like these, I remind myself to FEEL again. Thank you. I'll be thinking of you.
ReplyDeletehmmmm...parang gusto kitang maging kaibigan pj. 0718 MAKATI
ReplyDeleteGanda ng kwento cguro matatanda na kayo ngayon ,
ReplyDeleteNakaka inspired !
Sa nakaka kilala sa aking mga friends date sa gimikan sa s siniha email me banding tayo minsa ajo nga pala si Jay ,,,, emeil me at cordovakier@yahoo.ca
Thanks��