Monday, March 5, 2012

Hipokritong Banal


Ilang libo na naman ang magsisimba para,
humingi ng pera sa panginoon nila,
o humingi ng tawad at pagsalba,
ngunit gaano karami kaya sa kanila?
Ang nanununog ng pagkatao ng iba?

Marami na namang tao sa mga simbahan.
Mga taong humihingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan
Sa nagdaang linggo at mga nakalipas na araw.
Para ulitin lamang at tumungo ulit para humingi ng tawad, paulit-ulit.

Isang linggong lumipas muli sa huling pagsimba.
Damit mo'y walang kupas mula ulo hanggang paa.
Dali daling tutungo sa bahay na banal
Upang makinig ng misa at magdasal

Ngingitian at magsasabi ng "Peace be with you"
Ang mga taong katabi at 'di kakilala
Ngunit ang mga kaaway mo ba at kinukutya,
tinigilan mo na ba at pinatawad ng salita?

Kung makapagdasal ka sa simbahan,
tila ang linis ng konsyensya mo.
Pagdating ng Lunes,
panlalait ang nilalabas ng iyong bungangang,
kasing baho ng mga salita mo ang binubulyaw.

Pumahid ka sa banal na rebulto
Upang makuha mo ang kabanalan nito.
Ang taas na ng lipad mo, pero wala ka pa sa langit.
Sana ay bumaba ka muna sa lupa, at magpakabait.

Bakit ka ba dumadayo sa bahay na banal?
Kung saan-saan ka napapadpad, sa kakadasal.
Takot ka lang ba pumunta sa impyerno,
kaya ka nagsisimba tuwing Linggo?



Isinulat nina Canonista at Razztanista 

Sunday, March 4, 2012

Doncha

Ang Doncha ang isang terminolohiyang naimbento ng kabigan ng kaibigan ko, tinuro ng kaibigan ko sa akin ito at ginagamit na naming mag-t-tropa ang salitang Doncha sa pag identify ng mga tao.

Ang mga Doncha ay:

1.) Nagfifeeling Artista - Yung tipong pagnaglakad sa opisina ay todo lakad na tipong may catwalk? May fashion show ba? Asan? Hindi lang sa opisina nangyayari iyan, madalas yan gawin ng mga Doncha sa mall. Sila yung tipong, parang may photoshoot kung maglakad o kaya tumayo. Teka, asan ba ang camera nang maiwasan. Feeling artista, feeling ang ganda ganda nila porket may tatak ang mga gamit nila, mapa-bag, mapa-poloshirt, mapa sapatos; na kadalasan ay peke naman. Nag-sh-shades kahit hindi maaraw, bulag ka pa o may sore eyes? Ito rin yung mag taong ginagawang kwintas ang mamahaling camera, ang sarap basagin 'nun, hindi pa nila alam kung paano gamitin ng maayos. Ito rin ang mag taong gustong gustong magpapicture na tila wala nang bukas at panay ang pose; pose dito, pose doon, hoy... Hindi magbabago mukha mo... Hindi ka mukhang artista... Feeling  mo lang iyon!

2.) Ang mga doncha ay mga taong walang inisip kundi ang ari nila - Mapa-puke o mapa titi o kung anu mang pag-ma-may-ari nila, wala silang inisip kung hindi ang kinang ng kanilang mamahaling gamit.

3.) Ang mga doncha ay nasisiyahan, sa kumikinang nilang kasuotan. - Wala silang ikinakatuwa at binubulgar sa sambayanan kung hindi ang kagandahan ng kanilang kasuotan. "Look at me I have very nice clothes" ...parang ganun.

3.) Ang mga kwentuhan ng mga doncha ay tungkol lagi sa lalake babae o bading, depende kung anung klaseng doncha - Gusto nilang pinaguusapan at nilalait ang ibang tao, may mapagusapan lang.

4.) Ang mga doncha ay mahilig tumingin sa salamin buong araw, magpasexy at magpaganda ng katawan o ng mukha at titigan ang kanilang best friend na salamin.

5.) Kung gusto mong bad-trippin ang isang #Doncha, basagin mo ang salamin niya o kaya laitin mo ang suot nito.

6.) Mahilig sumunod sa uso ang isang #Doncha, 'di bale nang hindi bagay sa kanya ang damit na suot, basta nakiki-uso siya. Nakiki-uso din siya kung anu ang usong tugtog sa radyo o anu ang usong punaguusapan.... parang ganito... "Uy, iyan ang pakinggan mo, uso iyan ngayon si Nicki Minaj; ang galing galing niya no? Very artistic, very powerful, very tasteful".

7.) Mahilig mag-shopping and isang Doncha, mag-window-shopping, mag-shopping, at mag-shopping pa kahit hindi nila kailangan at hindi nila susuotin, may mabili lang.

8.) Mahilig sa may tatak and mga Doncha, 'di baleng maghirap sila basta branded ang mga gamit nila o kaya bibili sila ng mga "class A" na pekeng gamit.

9.) Sila ang pinamagandang tao sa balat ng mundo nila.

10.) Mahilig silang mag-party sa mga lugar na marami ring Doncha para magpapayabangan sila doon at para mapansin at magpapapansin. Ang mga baklang Doncha naman ay mahilig tumambay sa... (hulaan niyo kung saan ito)!

11.) Ang doncha ay madaling patayin dahil laging nakapost sa social media ang lokasyon nya.

Ang susunod na mag linya ay galing sa Twitter posts ko na pinag-p-post naming dalawa ni PJ at iba ko pang kabigan na may hashtag na #Doncha, at o nga pala, galing din yung iba sa Facebook.

  • Hindi porket nabasa mo na yung libro naintindihan mo na, lalo't nasa kapihan ka. #Doncha
  • Hindi porket nagdadasal ka pinakinggan ka niya, lalo na at english ka magdasal. #Doncha
  • Naka-Lacoste ka nga, peke naman. #Doncha
  • Hindi porket maputi ka, malinis ka. Lalo na't nag-g-gluta ka. #Doncha
  • Sa dance floor hataw gumiling, miserable naman paggising. #Doncha
  • Inuwi ka na naman ng lalaking 'di mo kilala kapalit ng isang boteng san-mig light... Hindi mo pa inubos. #Doncha
  • Yung una bf mo may fiancee, yung 2nd bf mo may gf at ung 3rd may asawa na may gf pa. Iniwan ka nilang lahat. Ikaw ay #Doncha 
  • Bigla ka nalang may nakakasalubong kung saan-saan na naka one night stand mo... #Doncha ka.
  • Naka red lipstick ka, FMAN Shoes at sexy nyorts sa Family Day ng school ng anak o kapatid mo. #Doncha
  • Mahilig ang donchang sumigaw ng "Woooo!" (Echo HIMYM) sa tugsh tugsh kahit hindi nila peyborit song. Basta nagpalit ng kanta yung DJ. Nakakalibre din sila ng beer with said DJ. #Doncha
  • Track record ng lab layp ng donchas (lahat ng ito ay habang BF sila ng said doncha):
    • BF 1 - Ikakasal na sa iba
    • BF 2 - Sabay sila ng ibang GF
    • BF 3 - May GF nang iba, may asawa pa.
    • Lahat ng to nakikilala nila sa tugsh tugsh.

DONCHANARY:
Tugsh-tugsh=High-end na club
OMG girl! I met this guy...=May naka one night stand na naman ako
This guy=said guy above na di nila maalala ang name
Friend ko=Guy a doncha slept with the other day, when introduced to "This Guy"
Nyorts=shorts na kita ang kaluluwa
Woooo!=Characterized by 4 O's. Desperate cry for help
My Anthem=Kahit anong kanta basta pinatugtog ng DJ sa tugsh-tugsh.
Light Beer=Favorite drink.
I was drunk last night = Im not a slut
FMANS=Sapatos na makinang, mataas pa sa talon ko at nakakapatay ng tao ang heels
Ngingingi=Language ng Doncha
Jeans=What's that??? (Undefined)

Urban Legend: 
It has been said that a doncha has never, EVER, finished a bottle of light beer BUT always seems drunk.

NOTE:
Donching=An INTELLIGENT, OPINION-BASED and HONEST discussion about Doncha stereotypical behavior




Ang mga nakasulat dito ay hindi panlalait kung hindi purong opinyon lamang naming magkakaibigan. Kung nainis ka sa pagbabasa nito, isa kang... #Doncha!