Monday, March 5, 2012

Hipokritong Banal


Ilang libo na naman ang magsisimba para,
humingi ng pera sa panginoon nila,
o humingi ng tawad at pagsalba,
ngunit gaano karami kaya sa kanila?
Ang nanununog ng pagkatao ng iba?

Marami na namang tao sa mga simbahan.
Mga taong humihingi ng tawad sa mga nagawang kasalanan
Sa nagdaang linggo at mga nakalipas na araw.
Para ulitin lamang at tumungo ulit para humingi ng tawad, paulit-ulit.

Isang linggong lumipas muli sa huling pagsimba.
Damit mo'y walang kupas mula ulo hanggang paa.
Dali daling tutungo sa bahay na banal
Upang makinig ng misa at magdasal

Ngingitian at magsasabi ng "Peace be with you"
Ang mga taong katabi at 'di kakilala
Ngunit ang mga kaaway mo ba at kinukutya,
tinigilan mo na ba at pinatawad ng salita?

Kung makapagdasal ka sa simbahan,
tila ang linis ng konsyensya mo.
Pagdating ng Lunes,
panlalait ang nilalabas ng iyong bungangang,
kasing baho ng mga salita mo ang binubulyaw.

Pumahid ka sa banal na rebulto
Upang makuha mo ang kabanalan nito.
Ang taas na ng lipad mo, pero wala ka pa sa langit.
Sana ay bumaba ka muna sa lupa, at magpakabait.

Bakit ka ba dumadayo sa bahay na banal?
Kung saan-saan ka napapadpad, sa kakadasal.
Takot ka lang ba pumunta sa impyerno,
kaya ka nagsisimba tuwing Linggo?



Isinulat nina Canonista at Razztanista 

3 comments:

  1. Ako hindi ko kailangan magsimba alam naman siguro ng sa taas na hindi pagiging banal ang pagpasok sa simbahan maari pero.

    Are you really living a life with compassion, dignity, and being a really good person? I mean it's all about achievements and things you've done while you're still living.

    Many take it for granted :(

    ReplyDelete