Friday, May 20, 2011

Pag-asa, surpresa, at serbesa

Naghihintay sa iyong pagdating
Gusto na kitang makapiling
Hawak ang isang sorpresa
Kasama ng isang boteng serbesa.

Darating ka pa ba?
Dibdib ko ay puno ng kaba
Pintuan ay di na bumukas
Mga yapak mo ay sa isip kumukupas

Maghihintay ako.
Hanggang mabulok ang mga bulaklak
Sa aking nanlalamig na kamao
Hanggang sa lamunin ako ng iyak
Ng serbesang aking hawak

Sa bawat paglunok,
ng serbesang sa bibig ko nakatutok
Ay siyang pagkagunaw
ng pag-asang sa iyo nakapukaw.


Written on: 11/04/09 01:36 PM
Posted on Facebook: Sunday, January 10, 2010 at 9:38am

1 comment: