Wednesday, May 25, 2011

Marlboro Black

Sa bawat piraso ng yosi na aking nauubos.
Sa bawat patak ng abo nito,
hiling ko'y yun na rin ang katapusan...
ng mga alaala mo.
Sana'y ganun kadali, parang sigarilyo,
na kapag ayaw ko na ang init nito...
Ay titigil na ako sa aking diliryo.
Sa pagtitig sa nawawalang baga,
sa pagtitig sa bawat namamatay na sindi,
hanggang sa kahuli-hulihang usok...
Animo'y ikaw, na sana'y maglaho.

Tulad ng sigarilyo
Alam kong masama ito.
Tulad ng sigarilyo
Alam kong ikamamatay ko.
Tulad ng nakalalasong usok sa bawat hithit.
Sa aking dugo, ikaw ay nananalantay,
unti-unti akong...
Pinapatay.


Posted on Facebook: Thursday, March 18, 2010 at 6:37pm

3 comments: