Sa palapit na umaga
Ako'y nagiisa, hubad sa tabi ng aking kama.
Iniisip ang kalagayan ko ngayon
Na kay layo ng kung sinu ako noon.
Minsan nung ako ay bata pa.
Walang makain at nagtitinda pa
Sa maalikabok na daan ng isang bayan
Para lang may laman ang aming tiyan.
Cebu, isang isla sa gitna ng Pilipinas
Ako ay nakaranas ng sariling pagpipintas
Sa kalagayan na tila walang pag-asa
Ako ay nangarap, na matigil ang pagkasasa...
Sa kahirapang hindi ko maintindihan
Sa kabataan na sa akin ay pinagkait
O aking Ina, na walang kasalanan
Kundi umibig at siyang iniwan...
Ang aking amang walang kamalay-malay
Sa kung sinu mang nagpabulag sa kanyang puso
Na kahit ang sarili niyang anak
Sa lupa'y inilagpak.
Sana dumating ang panahon
Na ako ay makakaahon
Sa galit at poot, na ilang taon nang kumikirot.
Sa wasak na puso kong, puno ng dahilang baluktot.
Sa palapit na umaga
Ako'y nagiisa, hubad sa tabi ng aking kama.
Nagiisip at nagagalit, sa aking nawalang kabataan.
Iniisip kung magiging tama ba ang lahat?
Ngayon na papalapit na ako.
Sa katapusan ko sa mundong ito.
Maitatama pa ba ang lahat?
May liwanang pa ba sa dilim ng nakalipas?
Kay layo ko na nga sa kung sinu ako noon,
Mabait sa akin ang panahon.
Ngunit ang puso'y ko ay sadyang yakap pa,
ang madilim na kahapon na siyang dagdag...
Sa sakit na akap ko ngayon.
Sa sakit ng kaloob-looban kong
durog, na pinatigbay...
ng mga panahong dumaan, nabuhay at nahimlay.
WALANG NAGBAGO by The Eraserheads
No comments:
Post a Comment