Ang sakit ng mga paa ko! Sobrang sakit, na halos hindi ko na kayang lumakad papunta sa hintuan ng bus na nasa tapat ng 711 sa Cubao na malapit din sa istasyon ng Superlines. Pagod na, masakit na ang mga paa, wala pang magagandang kuha! Anu ba naman ito!
Nagsimula ang araw ko ng gumising kami ni P at ako ay naghanda ng tanghalian. Marami akong hinain kasi mahaba ang araw naming dalawa. May pasok na siya mamayang gabi at ako naman ay nagbabalak magkukuha ng litrato sa EDSA pagkatapos kong magbayad ng hinuhulugan kong loan sa Makati branch ng Pag-Ibig Fund. Pagkatapos namin kumain at naligo na kami, nagbihis, at lumarga na. Hapon na ng kami ay nakarating sa Kamuning station ng MRT. Nanghihina na si P nang kami paakyat sa MRT station, pagod na raw siya at mainit daw kasi. Habang ako naman ay mabilis pa rin ang lakad. Maraming tao, lunes kasi. Pagdating ng Shaw station, nagpaalam na siyang bumaba at pupunta pa kasi siya ng bangko para kunin ang ATM niya, ako naman ay sa Ayala station pa ang baba.
Ayala station, sobrang daming bumababa dito sa istasyon na ito. "Lintek, sira pa ang isang escalator, hindi tuloy ako maka-ariba ng lakad paakyat" sabi ko sa sarili ko habang nakatayong naghihintay umakyat sa dulo ang escalator. Mainit nga, at tama ang desisyon kong magdoble ng shirt. Basta tuwing magkukukuha ako ng litrato sa kalye ng kung saan. Sinisigurado kong doble ang t-shirt na suot ko, para hindi magsituluan ang pawis hanggang brip. Binagtas ko ang mga daan patungo sa Atrium, na kung nasaan ang Pag-Ibig Fund. Nadaanan ko ang Manila Peninsula Hotel, isang hotel na punong puno ng magagandang alaala... Nung kami pa ni SEX (Significant Ex), palagi kaming bumibili ng tinapay sa Peninsula Exclusivities, isang bakery sa loob ng hotel, at sinisugurado naming kakain kami dun ng hapunan sa The Lobby kapag malapit na ang pasko, tuwang-tuwa kasi siya sa giant Christmas Tree at sa Chorale na kumakanta doon ng mga pang paskong kanta. Nakailang Holiday Seasons din kaming pabalik-balik sa hotel na yun (anim na taon kaming nagtagal, siya rin ang first ko). Minsan ay magp-pig-out pa kami dun mula alas siyete ng gabi hanggang sa matapos ang buffet, tapos manonood ng sine o uuwi na dahilsa sobrang kabusugan.
"Hay salamat" sabi ko sa sarili ko, andito na ako sa Atrium, maraming tao, lunes eh, pero palagi namang maraming tao dito anu man ang araw ng linggo. Tumungo ako sa 3rd floor para kumuha ng payment form, maganda ang babaeng nag-asikaso sa akin, mukhang pagod na sa dami ng mga taong pinagsilbihan niya, kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti nung inabot niya sa akin ang mga papeles na kailangan ko, sabay sabing "salamat miss" sabay ngiti... Sinuklian naman ng ngiti ng magandang miss ang akong pagbati. Unang palapag, 977 pa lang ang nakasalang para magbayad, eh pang 1080 ako! Marami pang oras magwithdraw ng pera sa ATM at magyosi sa likod ng Atrium.
Nung ako ay nagyoyosi sa likod ng building, natanaw ko ang Mandarin Oriental, ayan, naalala ko na naman si SEX. Dun kasi kami ng birthday nung nakaraang taon, at palagi din kaming bumibili ng iba't ibang klaseng tinapay doon. Suki kami ng Mandarin Deli, at kilala siya ng mga nagtitinda doon at pati mga waiters at chefs sa Paseo Uno. Paboritong restauran ko ang Paseo Uno, kasi maliit lamang ito at hindi matao, maraming sulok at la mesa na medyo tago kaya may privacy talaga ang mga kakain doon. Pwede pang maglagi sa poolside kapag nagpapababa ng kinain. Kumusta na kaya si SEX?
Bumalik na ako sa pila sa pagbabayad habang naglalaro ng Red Alert sa cellphone. Ilang minuto ang nagdaan at dumating na si P. Pawisan! Binigay ko sa kanya ang panyo ko dahil ang panyo niya ay pwede nang pigain sa pawis.
Nakapagbayad na ako pagkaraan ng ilang minuto mula nang dumating si P, ang bilis, marami kasing bukas na counters. May utang pa akong isang buwan. Na-delay kasi ako ng bayad. Hay... Ang dami kong babayaran, may insurance pa, yung August pa na loan at yung pang September na loan payment. Anu ba naman yan! Wala pa akong ipon.
Nag mall kami ni P, nag-ikot sa Glorietta at tumungo ng Megamall dahil maaga pa raw naman, alas-siyete pa ang pasok niya. Kumain kami sa Mcdo sa Megamall gamit ang SODEXHO GCs na bigay ng opisina namin, incentive. Mabuti na lang at may SODEXHO at nakapag grocery kami ni P kahapon, yung natira, ayun, pinang macdo namin. Tagtipid kasi kami. Matagal na naman akong o kaming tagtipid. Ewan ko ba. Pero ayun sa Financial Forecasting ko, makakaluwag na ako o kami sa Oktubre.
Hinatid ko si P sa Tiendesitas, ayoko mang magtaxi kami papunta doon, dahil mahal. Nagtaxi na kami, dahil malalate na siya. Paghatid ko sa kanya sa opisina niya, sinuot ko ang earphones ko, kinabit sa telepono at nagpatugtog ng Coldplay, sabay sindi ng isang stick ng marlboro Black. Ehto na...
Wala naman masydong makikita sa Tiendesitas, Lunes kasi. Ang tagal ko na ring hindi nakakapunta dito. Dito ko binili yung carrying bag ng chihuahua ko at mini pinchers ko. Noon iyon. Wala na akong alagang aso ngayon. Miss ko na ang mga aso ko, katabi ko pa silang matulog noon. Lalo na yung chihuahua, mahal na mahal ko yung aso na iyon. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating ako ng Ortigas ave. Nagabang ako ng masasakyan, nang may dumaang G-Liner. Sakay.
ORTIGAS
Habang nasa bus ay nagiisip ako kung saan ako kukuha ng mga litrato. Wala akong maisip. Sa totoo lang, wala akong inspirasyon kumuha ng litrato. Wala ako sa wisyo, may gana naman ako. Siguro hindi kasi ako malungkot. Mahirap maging o magpaka-creative kapag masaya. Ewan ko ba, nasanay na siguro yata ako na palaging malungkot. Lahat halos ng mga kuha ko sa nasa internet ay dahil sa nalulungkot ako. Pati yung mga nude self portraits ko na nasa internet ay dahilan ng matinding kalungkutan. O nga pala, may mga iilang kuha pala ako na masaya ako... Iilan lang.
Nakita ko ang EDSA Shrine,"aba, magandang kunan 'yan" sabi ko sa sarili ko. Umakyat ako sa kabit kabit na overpass. Mabuti na lang at maluwag at wala masyadong dumadaan sa parte ng overpass na gusto kong puwestuhan. Dali-dalian kong nilapag ang dala kong tripod at nilabas ang camera. Kailangan naka "bulb" ang shutter speed. "Tang-ina! Nawawala ang remote trigger ko!", pagmumura ko sa aking isipan habang hinahanap sa bag ang remote trigger ng camera. Mahirap kumuha ng naka bulb ang cemra tapos hawak-hawak ko ang body. Hindi ko mahanap, kumuha na ako ng litrato. Hindi naman ako masyadong pinagtinginan yata ng mga dumadaan, yata.
Hindi ako natuwa sa mga kuha ko. Ayoko na, lipat na ako ng ibang lugar. Estrella, Makati.
Pagdating ko sa Estrella at pag-akyat ko ng overpass, may mga tambay na mas mukha pang goons sa akin. Isesetup ko na sana yung tripod ko nang maisip ko na ang dami nila, lima yata, isama niyo na ang tindero ng sari-saring bagay na mukhang goon din. Huwag na lang, baka kuyugin ako ng mga ito. Wala akong pera at baka kunin pa nila ang camera ko! "It's not worth-it" sabi ko sa sarili ko. Bumaba ako ng overpass at nagpahinga sa Shell Gas station, nang makita ko ang napakalaking billboard ng isang lalaking walang pangitaas at may babaeng nakayakap sa kanya. "Wow! Kamukhang kamukha ko yung lalakeng nasa billboard ah" sabi ko sa sarili ko. Ilang segundo ko rin yung tinitigan, at jumingle na ako sa men's room ng gasolinahan. Maya-maya, tinitigan ko ulit yung billboard, ang guwapo nung lalaki, magpapaganda na nga ako ng katawan! Bigla ko tuloy naging crush ang sarili ko, kamukha ko eh, anung magagawa ko? Mabilog nga lang ako ngayon! Hahahahaha!
Naglakad ako mula Shell-Estrella hanggang Guadalupe, kausap ang sarili ko. Ang dami naming napagusapan. Ganun talaga ako kapag mag-isa, kinakausap ang sarili o kung hindi naman eh kung anu -anu ang naiisip at kung saan-saan gumagala ang isip.
Nakarating ako sa MRT-Guadalupe station, at nakita kong nasa tuktok ng istasyon ng tren ang tawiran ng tao o overpass, dali-dalian akong umakyat at mukhang maganda naman ang view. Bawal mag picture sa kahit saang MRT station, may camera pa sa parteng iyon ng istasyon ng tren. Naisip ko, kapag magmadali lang ako sa pagkuha, hindi naan siguro ako masisita. Nakuhanan ko ng litrato ang Guadalupe bridge sa loob lamang ng dalawang minuto. Dalawang minuto lamang, mula pagsetup ng tripod, pagkabit ng camera, pagkuha ng litrato, pagtago sa camera sa bag at sa pagtiklop ng tripod. Ang bilis noh?
GUADALUPE BRIDGE
...hindi ako natuwa sa litratong kuha ko. Hay.
Sumakay at nakipagsiksikan ako sa tren patungong Cubao. Nakikinig ng Underoath habang nagpapalipas ng oras sa biyahe.
Dumating ako sa Cubao na ramdam na ramdam ko na ang pagod, uhaw, at pananakit ng aking mga paa. Sarado na ang Gayway este Gateway nung dumating ako, pero nagpapasok pa rin ng mga tao ang mga guwardiya, kaya, pumasok na rin ako. Naglibot libot sa aloob at naisip kong dumerecho sa mga sinehan, maganda kasi yung dome doon at alam kong may mga upuang pwedeng pagpahingaan. Pagdating ko sa may mga sinehan, dumerecho ako sa mga maliliit na pabilog na upan.
Umupo ako, pagod na pagod. Naisip ko, na wala pa akong magandang kuha, "anu ba namang gabing ito" wari ko sa sarili. "Uy, bukas pa ang Timezone", pumunta ako doon at nagtititingin ng mga tao. Ang sasaya nila.
Sa kakatingin sa mga tao na halos puro kabataan, naisip ko... Gusto ko ng laruan.
Naglakad ako papalayo sa Timezone at sa mga sinehan patungo sa likod ng Gayway este Gateway, ang dami asing bading dito sa mall na ito eh... Isa itong malaking fishing grounds.
Paglabas ko ng mall, doon ko naramdaman na sobrang sakit na ng mga paa ko, gutom na rin ako, gutom na gutom, pero inikot ko pa ang harap ng dating Fiesta Carnival na ngayon ay Shopwise na, para tingnan kung may magandan bang kuhanan. Wala.
Naglakad ako patungong SM, kumain sa Wendy's. Nagorder ng isang Bigie Iced Tea at small na fries at humingi ng maraming ketchup. Nagpahinga at muli ay nagisip-isip, kausap ko na naman ang aking sarili. Maganda ang tugtog sa Wendy's, nagpatugtog sila ng live na version ng "I'm With You" ni Avril Lavigne, at ilan pang live version ng mga alternative na kantang hilig ko. Nawala ang pagod ko nung narinig ko ang mga kantang iyon. Ilang minuto din akong nagpahinga sa Wendy's, pagod na pagod na ako. Nagtataka lang ako, may gana naman akong magkukukuha ng mga litrato, pero wala akong makuhanan, kung meron man, hindi maganda... Bakit nga ba?
Lumilipad ang isip ko habang nakikinig ng mga kanta sa Wendy's. Nireview ko rin ang mga kuha ko, malutong na mura ang naibigkas kos a isip ko ng makita ko ang mga kuha ko, walang maganda! Nagligpit na ako ng gamit at naisip kong umuwi na. Paglabas na paglabas ko ng pinutan, pinatugtog ko sa isip ko ang kantang "I'm With You" ni Avril Lavigne na kakarinig ko lang ilang minuto lamang ang nakakaraan.
Pagod na pagod na ako, masakit ang mga paa, at walang inisip kung hindi ang umuwi na.
Napadaan ang sa Satrbucks-Arantea na punong puno ng mga baklang "bakla manamit". Tinitigan nila ako, iba't-ibang lamesa, iba't ibang hitsura. tanong ko sa sarili ko, "may duma pa ako sa mukha"? Alam kong mukha akong madungis dahil sa suot kong itom na Coheed and Cambria na t-shirt, putol na pantalon na ginawang shorts, butas na pulang high-cut na converse, at malaking backpack (camera bag), isama mo na ang tripod na mabigat. Inisiisip kaya nilang mukha akong naglalakad na Mojacko dahil bilugan ako ngayon at balbas sarado at medyo mahaba na ang pagkasemi-kalbo ng buhok? Patuloy akong naglakad habang kinakanta ang "I'm With You" ni Avril Lavigne.
Pagdating ko sa condo, dali-dalian kong hinubad ang sapatos at medyas ko, umupo sa sahig at minasahe ang sobrang sakit kong mga paa. Ilan sandali pa ay nagsindi ng yosi at naghubad ng pawisang damit. Pati pala brip ko ay basa rin ng pawis. Nagsindi ako ng dilaw na ilaw at naupo sa harap ng computer, nagsindi ng yosi at walang suot kung hindi ang brip kong itim na pawisan pa, ni-"on" ang computer, nagpatugtog ng Tensyonado ni Drizzle, at nagtype.
my ex is a photographer. he fancies calling himself an artist, although may K naman talaga having won various competitions, a few exhibits to his name. he'd always tell me that he'd get his best shots during photowalks. (methinks he's bad with portraits hehehe)
ReplyDeleteWow1 I wonder who your ex is? LOL! Ako naman, I dated three men who are into photography, two are professionals and the other one is a hobbyist. All three have won in various photography competitions, two have their own bands, one has a rock/alternative band, the other one is post-hardcore/hardcore; both are vocalists, both write the songs for their respective bands, while the other one is a geek.
ReplyDeleteNahiya naman ako bigla sa mga photos na nipost ko. LOL! :-p
ayyy mas maganda ka sakin lols.
ReplyDeletevocalists=hawtness
i'm biased towards black and whites so i am loving your banner.
nice post..
ReplyDeletein my non-photographer point of view.. i think the photos you post are still great! :D
im thinking of making it as a hobby as well pero baka masayang lang sa akin yung camera bibilhin ko.. tamad kasi ako minsan :D
kaya point and shot lang ang camera ko..at sobrang liit pa.. :D kaya parang di bagay sa akin ang DSLR.
Love the first two photos. Sa first photo, dun ako ngwowork. Ha ha. During breaks, lunch, snacks, dinner palagi nalang ako Rob Galleria. Ha ha. Then, when I'm In the mood for cinema, sa Gateway ako nanunuod. Then palagi din ako sa timezone Gateway. Then the last pic Guadalupe bridge, I used to live in Barangka ibaba, so medyo tanaw ang bridge dun.Halos lahat ng photos somehow nakarelate ako. Well done. Really enjoy it.
ReplyDeleteyun oh, naging kwentuhang ex. lol. sayang di kita nakita sa guada. dun lagi daan ko pag pauwi. ang photogenic pala ng lugar na yun.
ReplyDeletewow! ganda nga ng picture e, kahit wala akong alam sa photography..hehehe
ReplyDeleteLakad, lakad lang na lakad huwag hihinto.........
National Geographic - Live Curious!
Cool. I've never tried photowalk sa Manila nung nagwoworok ako dun dati (wala kasing makasama at takot din.LOL) Sabagay, malimit sa isang artist, mas maganda ang output when he/she in his/her peak of emotions...
ReplyDeleteBtw, do you have flikr?
Amps sorry, didn't noticed sa flikr pala nakaupload mga pics mo.hehehe
ReplyDelete@I'm a positive: Hindi mo naman kailangan ng DSLR para makakuha ng magagadang litrato. Nagsimula ako sa point and shoot na mumurahing 5MP lang, noong 2005 pa yata yun or earlier pa ng nag-aaral pa ako. Basta shoot lang ng shoot.
ReplyDelete@Ianakish: Salamat, maraming salamat. Pagbubutihan ko pa. :-)
@Ex Jason: Kung nasa Guada man tayong pareho ng mga panahong iyon, Hindi mo rin ako makikilala dahil hindi mo naman alam ang hitsura ko. Malay mo naman, nakita mo pala ang isang mukhang gugusing mamang balbas sarado dun na may dalang tripod, ako yun! LOL!
@MB: Salamat! Paborito ko ang National Geographic.
@Mon: Dalawa ang flickr accounts ko, yung ginagamit ko dito ay ang abnormal na account ko. Yung isa naman, kapag kilala mo ako at ni-google ang tunay kong pangalan ay lalabas sa search results yun. Andun lahat ng kuha ko simula ng makahawak ako ng digicam hanggang sa nabili ko ang DSLR na gamit ko ngayon. Nasa mahigit isanglibo na yata ang laman nun mula mid 2000s hanggang sa taon na ito. Andun din ang nude picture ko nung payat pa ako.
me' bago na tuloy akong pangarap: maging alalay ng isang wandering photographer, though sabi nila, mas gusto nila mag-isa pag kumukuha o naghahanap ng subject. :)
ReplyDeleteah tagal mo na palang nasa photography. ako nung 2008 palang. yun nga lang nikonian ako.hehe but thinking to shift sa canon. yun nga lang di kita kilala kaya di ko alam yung account mo.hahaha
ReplyDeleteThe towering buildings, magnificent structures and the shimmering city lights.
ReplyDeleteOne look and the emotion bursts from the photos.
Awesome shots. Pretty awesome.
@Alterjon: TRUE! Kaya kapag nagphophotowalk kami, walang nagpapansinan, magkikita na lang after \. Kadalasan, mag-isa nga kami kapag nagiikot-ikot.
ReplyDelete@Mon: Para sa akin, mas madaling gamitin ang Canon. Practical pa ang mga lenses at nasa body ang motor kaya lahat ng lenses may autofocus, sa Nikon, hindi lahat ng lenses may autofocus. Mura pa ang mga lente ng Canon.
@Guyrony: Salamat. :-)
sabagay yun nga ang advantage ng canon... sige kapag bumili ako ng bago ay canon na paguwi ko ng pinas... :D
ReplyDeleteAnu ang balak mong bilhin? Sa isang blog sabi may 60D na raw?!
ReplyDeleteyup. lalabas yung bagong canon na 60D ngayong september. iniisip ko kung iyon nga yung bibilhin ko. gawa kasi ng video din nya, mas interested ako sa moving frames. pero tulad mo, 7D din yung gusto ko.hahahaha
ReplyDelete@Mon: Kung anung kaya ng budget mo go lang. Take note, if you are really serious about photography, you have to consider the lenses too! Some lenses costs more than the camera body itself.
ReplyDeleteYup. Naresearch ko narin yun, malaking tulong ang lente. Pero iba yung pananaw namin ng mga kaibigan ko (we work kasi as artists), wala sa gamit yan kundi sa humahawak. Proven naman kasi kahit yung iba low-end ang gamit pero mas maganda parin dahil artistic yung tao. :)
ReplyDeleteKaya tuloy lang ang buhay at tuloy kang mangarap kaibigan. Stay motivated everyday to your dreams. :)
@Mon: Tama, sabi ng sa isang photography forum... wala yun sa pana, nasa Indian yun.
ReplyDelete