Dalawang araw na magkasunod na 12 oras akong nagtatrabaho sa opisina, hindi yun tama at hindi makakabuti sa kalusugan ko. Ayokong napupuyat sa pagtatrabaho, bukod sa bawal ito sa akin, hindi naman talaga bawal, ayoko lang manghina ang katawan ko. Alam niyo na.
Kanina, nakapaglogout ako ng eksaktong alas-singko ng umaga, 8pm-5am kasi ang shift ko, tuwang-tuwa ako at makakapag-abang ako ng bus na hindi pa sumisikat ang araw. Mamayang gabi ko na lang tatapusin lahat ng mga kailangan tapusin bago mag-Sabado, dahil gusto ko ang aking Sabado shift ay magaan, dahil huling araw ito ng aking isang linggong trabaho.
Sa sobrang pagod ko kanina ay mahimbing akong nakatulog sa bus. Ugali ko kasing mag bus mula Ayala hanggang Diliman o kaya Fairview (sasakay pa kasi ako ng jeep pauwi). Mula Ayala ay nakatulog pala ako hanggang East Ave. Mabuti nalang at walang tumulo mula sa akin. Hindi ko lang alam at wala na rin akong pakialam kung anung hitsura ko habang tulog o kung pinagtatawanan ba ako ngmga tao habang nakapikit ang aking mata.
Pagbaba ko sa bus kanina ay hindi ko maiwasang maalala ang isang umagang pauwi ako galing sa trabaho ilang buwan na rin ang nakakalipas...
Pagod na pagod ako 'nun, Kaya sobrang himbing ng tulog ko. Tulad ng ibang araw, sumakay ako ng bus pauwi, mula Ayala. Pagkagising ko eh dali-dalian kong tiningnan kung nasaan na ako, "aba nasa may Fairview na pala" wari ko sa sarili ko. Lumampas na ako sa usual na binababaan ko, "hindi bale sa Caltex na lang ako mag-aabang ng jeep" naisip ko. Nang medyo may wisyo na ako ay naramdaman ko ang aking bibig na nanunuyo, nauuhaw ako. Nag-ayos ako ng aking sarili, nang naramdaman ko na parang basa ang bandang dibdib ng aking polo shirt. Nung kinapa at tiningnan ko ang polo shirt ko ay basang-basa ito mula buttones hanggang sa may bandang tiyan. May isang trail ng basang parte ang damit ko! Basang-basa siya na parang itinapat sa gripong hindi maayos ang pakakasara, pwedeng siyang pigain. Kinapa ko ang goatee ko, basa din. Shet! Tumulo ang laway ko mula Ayala hanggang Fairview! Ang layo nun a, at ang dami pa! Bigla akong napatingin sa paligid ko, ako na lang pala ang nakaupo sa likod, may mga apat na rows ng upuan ang pinakamalapit na tao mula sa akin at wala ring tao sa mga upuan sa likod ko. Mabuti na lang din at kumuha ako ng paper towels mula sa C.R. na siyang pinampunas ko sa mukha at sa bibig ko, baka may natuyong laway pa kasi sa mukha o sa labi ko. Pinunasan ko na rin ang damit ko. Napaisip ako, ilan kayang mga tao ang nakakita sa akin na nagffountain na pala ako ng laway sa isang tabi? Nakakahiya! Napansin ko na malapit na akong bumaba, niyakap ko ang bag ko habang papunta sa harapan ng bus, derecho ang tingin ko at walang lingon-lingon, pumara ako at bumaba ng bus. Yakap-yakap ko pa rin ang bag ko habang nag-aabang naman ng jeep pauwi sa gitna ng init ng araw sa kahabaan ng Commonwealth avenue, dahil hindi pa tuyo ang damit ko dahilan ng pag-f-fountain na laway ko sa loob ng bus.
Mula na noon, ay nag-iingat na ako na hindi bumuka ang bibig ko kapag natutulog o matutulog sa bus.
Hahaha... Same here... Sa sobrang jontok ko sa work, naidlip muna ako sa station ko habang naka-headset. Ayun, tumulo. Eeewwwness ang feeling.
ReplyDeleteWelcome to the drool club!
ReplyDeleteIt is embarrassing but we can't help it. If it's unconscious then it's unconscious.
Although with time, we get to be more aware but our sleep in public vehicles are lighter than usual.
:)
Haha! Ako naman naglalaway dipende sa position ng bibig ko. Pag naka tungo, hayun diretso sa sahig ang laway.
ReplyDelete@Melanie: Nakaheadset din ako nung nangyari yan. hahaha!
ReplyDelete@Guyrony: True, now my sleep in my daily commute home is lighter than the previous years, because of what happened.
@Mugen: Ako kasi naka slouch matulog sa bus e. Kaya nagfflow sa baba ko, leeg o derecho sa dibdib ang laway kapag tulog. LOL!
ay! ako, sa taon kong karanasan sa pagtulog sa bus, sa fx, at sa van, namaster ko na ang tamang posisyon na hindi ako magiging kahiya-hiya..hehe
ReplyDelete.
.
at xempre ingat din. maraming loko sa panahon ngaun =)
ahahha akala ko kung anong TULO na ahahah...siguro ung mga nakakita s aiyo nagtawanan lol, mas nakakahiya cguro kung sinamahan mo pa ng malakas na hilik! bwahhaha :P
ReplyDeleteano ba yan.. that's the worst ha, gusto ko ng photo shoot!
ReplyDelete