Monday, August 30, 2010

Mga bubog ng basag na puso

Binuksan ko ang sarili ko sa taong nagmamahal sa akin ng lubusan. Pilit na ipinasilip ang nasa loob ko, halos wala siyang nakita, dahil halos wala naman talagang natira sa gulagulanit kong pagkatao na sinira ng nagdaang bagyo noong tag-ulan nung nakaraang taon. Humgingi ako ng tawad, dahil hindi ko pa kayang suklian ang kanyang pagmamahal na walang humpay na binibigay sa akin.

Umaagos pa ang dugo sa mga sugat ng aking pagkatao, sanhi ng mga bubog ng aking nabasag na puso.

Humingi ako ng tawad sa mga pagkukulang ko at hinubad ko ang singsing... Kinuha niya ito at muling isinuot sa aking nanginginig na daliri. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kaliwang kamay at pilit niyang ibinaling ang aking tingin sa kanyang mga mata, at kanyang sinabi... "Hindi kita iiwanan, sa panahong ikaw ay sugatan ako ang iyong makakasama. Hindi kita hahayaan sa kalagayan mong 'yan, dahil ayokong mabaon sa lungkot ang taong mahal na mahal ko".

5 comments:

  1. bugbog ba? hayaan mo na manhid na din yan after ilang araw kung dapat mo kalimutan wala problema yan. ang dapat mo lang gawin mahalin ng tapat yan dahil sa kakabalik mo sa nakaraan ang kinabukasan mo ang nasisira . di lahat ng pag iintay ey nauuwi sa happy ending . matutoo ka lumimot dahil kung mahal ka ng nakaraan bakit ang kasama mo ngayun yang panghabang buhay? siguro kaw sisira sa sarili mo dahil malalaman mo na lang isang araw baliw ka na kakaiip ng mga nakaraan mo. baka kaya ka nagiintay dahil kala mo mahal ka nya siguro hindi dahil kung malalaman nya ganyan ka babalik yan.

    walang sangkap ang pag ibig at pagmamahal o formula . kaw sa sarili mo dapat ka ng lumimot dahil siguro sobra mo kakaemote ayaw kaw nasasaktan . di naman ata pwede kadiktahan pero kungpipiliin mo maging basura lahat ng nagmamahal sayo mawawala kung di ka magbabago.

    KALIMUTAN ang mag simula ng panibago

    ReplyDelete
  2. Alam ko naman lahat ng sinabi mo. Wala akong sinabing "bugbog", ikaw ha... Pero salamat.

    ReplyDelete
  3. that's so sweet! i always believe it is so hard to love when we're not completely whole. good to see that person is willing to help pick up the pieces.

    and i love love love this song. it's so charged with emotion!

    ReplyDelete
  4. mga bubog..kung pupulutin isa-isa baka masugatan ka. maaaring ibalik ang mga piraso upang mabuo ulit ngunit hindi na tulad ng dati.

    ..tunawin na lamang at hulmahin para makabuo ng bago.

    ReplyDelete
  5. This is deep man.

    Everyone faces circumstances worse than what they expected.

    Moving on is a process. It will take time and it will heal.

    Although, fully or not fully will be up to you.

    ReplyDelete