Friday, January 14, 2011

Paalam, Sugarfree at Bamboo

Oo, sa mga hindi pa nakakalam ng balitang ito, wala na pong Sugarfree at Bamboo. nakakalungkot, dahil simula pa ng nabuo ang Sugarfree at nilabas nila ang unang nilang album, eh naadik na ako sa kanila. Pero sa lahat ng labums na ginawa ng Sugarfree, yung unang album o yung mga kanta galing sa una nilang album talaga nila ang tumatak sa isip ng maraming Pilipino.

Maraming nakarelate sa music video nila ng Burnout, lalo na ang mga chatters (isa na ako dun). Usong uso pa noon ang MIRC, at ang chat noong panahong iyon, ay chat talaga. May mga naguusap at nagpapalitan ng opinion, may mga naguusap sa main room at hanggang sa lahat na yata ng nasa room eh iisa na lang ang pinaguusapan, magulong masaya sa MIRC noon, noon 'yun. Hindi tulad sa panahon ngayon, wala na yatang naguusap sa main room, kung hindi puro posts na lang, tawagin na lang nating classified ads na ang dalawa sa pinakamalaking pang bading na chatrooms sa MIRC.

Maraming madamdaming kanta ang Sugarfree, na panigurado ako, marami sa atin ang nakarelate at nakidamdam sa mga kanta nilang minsan ay tagos sa puso. Mga kantang tulad ng Burnout, Telepono, Mariposa, at Kuwarto. Sa mga kilala at gustio ang Sugarfree, panigurado ako, na kasama sa listahan ng mga pang-emote niyo ang ilan sa mga nabanggit kong kanta.

Mabuti na lang at napanood ko sila nung nakaraang taon sa anniversary ng Saguijo. Ehto ang isa sa mga paborito kong kanta at video nila... Burnout.



Bamboo, isa sa mga iilang banda na gumagawa ng mga kantang pulitikal at nagsasalamin sa masang Pilipino. Iilan lang sila sa mga bandang gumagawa ng mga kantang hindi lang pang pag-ibig, kung hindi naayon sa kinalalagyan ng bansa, at ng masang Pilipino. Lyrically, paborito ko ang Bamboo, dahil sa mga kadahilanang binanggit ko. Astig magsulat ng mga salita si Bamboo, at may tunog silang, alam mong sila talaga hindi pa man kumakanta ang bokalista.



Kaya, paalam Sugarfree at Bamboo. mamimiss namin ang pagkanta niyo ng live, pero habang buhay namin nanamnamin ang mga tugtog niyong naging parte ng makukulay namin buhay.

4 comments:

  1. fave ko din ang burnout. i knowna disbanded na ang bamboo pero pati pala sugarfree. kalungkot.

    ReplyDelete
  2. an ODE to themmm.,...

    ReplyDelete
  3. i think marerebirth ulit naman sila, siguro bagong name with bagong members.. sana... kalungkot aman...

    ReplyDelete
  4. love their songs!..

    may mga tsimis na magsasama daw sila :D

    ReplyDelete