Friday, January 14, 2011

Bird House

Yan ang tawag ko sa room ng isang department sa 2nd floor ng building namin. Palibhasa halos puro lalake ang nagoopisina sa kuwartong iyon, hindi basta lalake, ang bansag nila sa sarili nila ay Alpha-Male, higit pa raw sila sa tunay na lalake, mga manyak pa! Kaya ayun, ang tawag ko sa kuwarto nila ay Bird House. Tambayan ko iyon tuwing pagkatapos ng shift ko o kaya kapag maglulunch ako, bukod kasi sa masasayang kasama at kausap ang mga tao dun eh mga katropa ko pa sila sa pagpipicture-picture (mga photographers kasi) at kasama ko rin sila sa mga pagtatambay sa mga gigs ng mga banda-banda at halos lahat sila ay may mga kanya-kanyang banda, minsan sila-sila rin ang nagbubuo ng banda.

Masaya silang kasama at ka-hangout, dahil sa bukod sa "out" ako sa kanila, eh hindi sila ilang sa pagkatao ko. Masasabi kong, masayang may mga kaibigan akong straight na tunay, kasabay kumain, kasabay umuwi, kasama sa tambayan, sa inuman, sa gigs, at pareho ang hilig namin sa potograpiya at musika. Maski na palagi nila akong inaasar, masaya pa din.

Kami ang mga tambay, tambay sa bird house.

1 comment:

  1. totoo yan! i super love hanging out my straight friends.
    .
    .
    walang kiyeme. go lang go!
    .
    .
    at siyempre, solid ang samahan!

    ReplyDelete