Sunday, March 6, 2011

Linggo

Medyo napa-aga ako ng uwi, hindi na ako tumambay pa sa opisina. Pagkalogout ko ng alas-singko, eh mabilis akong bumaba sa ground floor mula sa 4th floor. Sa labas ng aming building eh andun ang suki naming magtataho, bumili ako ng isang baso at nakipagdaldalan ng konti sa mga agents at mga TL habang inuubos ko ang taho. Nung naubos na, pumasok muna ako sa loob, nag-cr, lumabas ulit ng building, at naglakad na papuntang sakayan.

Ang tagal ng bus, sobrang tagal! Nung una ay ako lang mag-isa ang nagaabang ng bus papuntang SM Fairview, hanggang sa dumating ang tatlomng agents na tila galing ng Convergys. Dalawang bading at dalawang chubby na maliit na mga babae. Yung isang bading ay medyo payat at matangkad, yung isa eh malaki ang katawan at punong puno ng kolorete ang mukha. Ang iingay! Malayo pa lang sila eh hagikgikan na ng hagikgikan. Eh mainit na ang ulo ko at ang tagal ng bus at napapagod na akong tumayo sa kakaantay. Biglang kumanta ng pagkalakas lakas yung baklang chubby! Ang likot-likot niya at nagpoposing posing pa sa waiting shed at sa gilid ng daan at walang pakialam sa mga dumadaangmga sasakyan at mga tao. Gusto ko na nga siyang itulak sa harap ng mga dumadaan na bus sa lakas niyang kumanta! Ngunit hindi nagtagal at ang inis ko ay naging tuwa na rin. Ang galingnaman kasi niyang kumanta at bumirit, sabi pa niya sa mga kasama niya eh kaya daw niyang mag ala-Mariah carey kapag hindi siya paos. Hindi pa siya paos sa lagay na yun! Kaya ako ay tahimik na tumayo na lang sa isang tabi habang naglalaro ng tetris sa cellhone ko. Pareho pala kami ngbus na inaabangan, sabiko sa sarili ko "shet... huwag sana silang umupo malapit sa akin dahil panigurado, maingay itong mga ito". Dumating ang kulay pink at purple na Manrose na bus. Nauna na akong sumakay, at ang baklang chubby eh sa jeep pala sasakay, yung tatlo niyang kasama ang sumakay sa bus. Umupo ako sa upuan na kung saan eh palagi kong pwesto sa tuwing uuwi ako, doon naman sa likod ko umupo ang tatlo. Aba, ang tahimik, napagod yata. Mabuti nalang din ang violente ng palabas sa bus, kaya ang lahat ng pasahero eh tutok na tutok sa palabas, hindi ko nga lang alam ang title. Mayamaya ay ay nagiingay na ang tatlo sa shock sa papalabas sa bus. Ako eh natulog na lang.

Pagkababa ko ng Ever-Commonwealth eh nagabang ako ulit ng masasakyan, iba kasi ang daan pauwi, kaya isang jeep pa. Habang nagaabang ako ng jeep eh kung anu-anu naman ang mganaiisip ko... Tulad ng... Kung anu kaya ang hitsura ng parteng ito ng Quezon city noong 1980s 0 1970s... Gubat? Damuhan? Hanggang sa napakanta na lang ako ng mga lumang kantang OPM. Dahil sa Herbert Bautista ang mayor namin, naalala ko tuloy ang pelikulang Bagets, at napakanta tuloy ako ng theme song nilang Growing Up. Hanggang sa kung anu-anung mga lumang kanta na ang mga kinakanta ko.

Pagkauwi ko, nagbihis na ako agad at naghugas ng pinggan, habang hinhintay mag-on ang modem at ang Mac. Nung ready na eh puro mga lumang kanta ang mga pinagse-seach ko sa Youtube at sa Google. Ang hirap maghanap ah, palibhasa eh mga lumang OPM na kanta ang mga hinahanap ko, kaya napatagal din ako sa pagsesearch. Hanggang sa may mga ilang kanta akong nadownload. O sige na, wala rin namang available na kanta sa mga record bars nung mga lumang albums eh, lalo na nung mga 70s era pa. Ayun. Isang oras yata akong nagsesearch, tapos nung nakahanap na ako ng mga sites na naghohost ng mga kantang gusto ko, isang oras ko din silang isa isang pinagdadownload. Kaya ehto at panay kinig ko na sa mga lumang kantang humubog at naging haligi ng musikang pinoy.

Eto ang mga nakuha kong files mula sa internet... Mga kanta ng VST and Co, Sharon Cuneta, Boyfriends, at ilang mga kantang sobrang sumikat nung 70s, 80s, at 90s. Marami na akong koleksyon ng mga kantang banyaga, oras na para busisiin ko naman ang sariling atin.

1 comment:

  1. sa may boni mrt, sa harap ng itinatayong pioneer woodlands.. may kumakantang bulag dun ng "kaibigan lang pala" by lilet..

    sa office naman, yung boss ko at ako, trip namin "ang doon lang".. the best =)

    ReplyDelete