Friday, October 21, 2011

Tatlong Kanta Para kay Dan

Kahapon, habang ako'y naglalakad pauwi
Upang pagod ko ay mapawi
Sinara ko ang aking mga mata
Sa gilid ng daan, na walang umaarangkada

Sinubukan kong alalahanin 
Ang iyong mukha, na puno ng damdamin
Dalawa sa aking mga nakita,
Ay pangungulila at pag-asa, sa iyong mga mata.

...pag-asang umaasa.
Sa damdaming nagpapakasasa,
at damdaming walang humpay,
na sumisigaw ng, paghihintay. 

Sana ay buksan mo ang iyong mga mata,
at makita ang kaligayahan mula sa iba. 
Sana ay makinig ka rin hindi lang sa sinasabi nila,
kung hindi pati sa tibok ng puso ng iba.

Sana isang araw ay tingnan mo aking mga mata,
at sabihin sa akin, kung anu ang iyong nakikita.

Heto ang tatlong kantang pinili ko para sa iyo. 
Tatlong kantang, sanay ay magustuhan mo.





5 comments:

  1. nalunkot me ng very very light. ang bigat ng song.

    ReplyDelete
  2. I love the choices of song...sana mpkinggan niya rin to...

    ReplyDelete
  3. Bangis nito pre. Mag-aalay ng kanta diniskartehan pa ng tula. Astig! \m/ Kaso nalungkot ako sa tula. ahahah bat ganun?

    ReplyDelete
  4. like the 3 songs... downloaded it...

    ReplyDelete