Kanina lang ito. mga isang oras at kalahati pa lang ang nakakaraan, 4 AM na.
Nung ako ay pauwi na galing sa lakad namin ni J, ay sumakay ako ng bus pauwi galing Cubao. Bumaba ako ng Caltex (isang lugar sa Fairview) para magwithdraw dahil halos wala na akong pera. Ang daming mga taxi, pero nasaan ang mga drivers? Wala, naglaho! Ayun nga, bumaba ako ng bus, tumawid papunta sa Fairview Center Mall, at nagwithdraw. Tumawid ako ulit papunta sa sakayan. Gusto kong magtaxi kasi inaantok na ako, pero wala pa rin ang mga drivers, anu ba yan, bakit? Nasaan ang mga taxi drivers? So nagabang ako ng taxi, ilang jeep din papuntang Zabarte ang dumaan, pero hindi ako sumakay, ilang ordinaryong bus din ang dumaan at pati na rin mga aircon buses, pero hindi pa rin ako sumakay, kasi nga, gusto kong magtaxi. May dumaang bus, at may napansin akong lalakeng nakatingin sa akin, tumgin din ako at sinundan ko siya ng tingin, sumunod din siya ng tingin at nagkasalubong ang aming mga mata. Mga ilang metro pa lang ang layo ng bus mula sa kinatatayuan ko ay tumigil ito. May bumabang lalaking matangkad. Naka stripes, fit na slacks, backpack, medyo chubby, pero hindi naman malaki ang tiyan. Papalapit siya sa kinaroroonan ko. Hindi ko makita ang mukha kasi medyo madilim. Nung medyo malapit na siya, siya yung lalakeng nakatitigan ko sa bus! palapit siya ng palapit hanggang sa mga 3 metro na lang ang layo namin sa isa't isa. Tinitingnan ko siya, tumingin din siya. Lumapit ako sa kanya ng konti, lumapit din siya sa akin ng konti. naisip ko, magpapakilala ba ako?
Anu ba kaya ang pakay nitong lalakeng ito? Booking ba ito? So pinagana ko ang "I judge the person by his cover" technique ko. Maayos ang buhok, medyo may stubble na ang kanyang mukha, hmm... Sexy! Medyo matangos ang ilong, may pagka square ang jaw ni kuya, maganda ang hugis ng mukha. Maayos ang shirt, naka poloshirt siya, ang ganda ng pants, medyo na turn off lang ako sa shoes kasi baklang bakla. Pumunta ako sa likod niya, naka backpack, maganda ang bag, mukhang mamahalin. So okay si kuya, may magandang taste. May dumaang jeep papuntang Zabarte, at lahat ng mga taong nag-aabang ng sasakyan ay sumakay maliban sa aming dalawa. Pumunta siya sa bandang likod ko, tiningnan ko siya, tumingin din siya. Naisip ko, "Kuya, nakikita mo ba kung gaano ako kabilog? Nakikita mo ba na ang laki-laki ng tyan ko?" So nagslouch ako, para lumaki ang tyan ko, nagsmile si kuya, o mukhang natawa yata dahil sa hitsura ko.
May paparating na bus, sabi ko sa sarili ko "hay nako, baka malibog lang ito". Sumakay ako ng Jayross na bus, aircon, puno lahat halos ng upuan, at natanaw ko sa bandang likod na maraming bakante, dun ako dumerecho. Napansin ko na ang layo niya sa akin! Andun siya sa bandang gitna ng bus umupo! Pero ang tugtog... Mmm... Chorus ng Let The Love Begin! Senyales ba ito ng kung ano? Kinausap ko ang sarili ko at sinabi ko na "Anu ba ang gustong ipahiwatig ng universe sa akin? Ng mga planeta't bituin? Ng araw at ng buwan? Ay gabi pala, walang araw... Anu ba?!" Lumipat ako ng upuan, sa harap ng kinuupuan niya. So may reflection siya sa bandang kaliwa ko. Tiningnan ko siya, tumingin siya, nagsmile ako, deadma siya. Suplado! "Naku, malapit na ang SM Fairview! Bababa na ako, shet, hindi ko pa siya nakikilala, anu ba ito? Booking ba ito o wholesome na kung ano?". Lumipat ako ng upuan, dun sa kaliwang upuan, yung pang tatluhan. Tiningnan ko siya at ngumiti, medyo ngumiti naman yata siya. "Shet, SM Fairview na!". Tumayo ako at bumaba na, lumingon ako sa bus, hinahanap ko siya. "Ay, naka-baba na pala ang boylet!"... "Anu ba... Magpapakilala ba ako o ano? Obvious na eh!". Tumingin na naman siya, tumingin ako. Naglakad siya sa dereksiyon ko at ayun, lumakad ng malayoat tumigil na tila nagaabang ng kung ano. Nakatingin sa akin.
Habang ako ay nakatayo sa gilid ng Regalado Highway sa harap ng SM Fairivew, sa medyo may kadiliman na lugar. Tumingin ako sa buwan na may "halo" at pagkaliwanag at pagkalaki-laki... Nagtanung ako sa buwan... "Anu ba ito? Anu baaaaaah"? Naisip ko, kung magjujugjugan kami eh bago namin gawin yun eh syempre sasabihin kong may HIV ako; Boner Killer 'yun! Baka bigla pa niya akong takbuhan kapag nalaman niya. Isa pang sumagi sa isip ko, paano kung mukha lang siya nag nagoopisina pero sa totoo ay magnanakaw pala na nambibiktima ng mga baklang malilibog at mapagtiwala? Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Photographer (ni-date ko noon, hindi kami naging kami) noon na sobrang dali kong magtiwala, mag-ingat daw ako at baka ikapahamak ko 'yun, natatakot daw siya sa ugali kong iyon. Sa ayun nga...
Lumakad ako papalapit kay boylet, ngunit nilagpasan ko siya at tumigil at tumayo ako. Lumakad papalapit ang boylet, tiningnan ko sa mata, nilagpasan ko. Tumayo din siya na tila nagaabang ng sasakyan. Naglakad ako sa direksyon siya at nilagpasan ko din siya. Tumigil at nakatayo lang din ako, ilang metro ang layo mula sa kanya. Paulit ulit namin itong ginawa hanggang sa nakarating kami sa dulo ng Regalado. Sabi ko sa isip ko... "Anu ba kuya?! Pagod na ako ha? Inaantok na rin ako! Magpapakilala ka ba o hindi?". Lumapit ako sa kanya, ang tangkad pala niya. Hanggang ilong lang niya ang mga mata ko.
Nagsalita na rin siya sa wakas, tanung niya sa akin "Zabarte ka ba?", sabi ko "oo, ikaw?", "Lagro". "May kasama ka ba sa inyo?" tanung niya sa akin, sabi ko (at nagsinungaling ako) "oo". Sabi niya "Ah ganun ba?". Niyaya ko siyang kumain sa Burger Machine, pero sabi niya busog pa raw siya. Sinabi ko sa kanya ang aking Name#1 (may tatlo akong totoong pangalan). Nagpakilala siya at nagtanung kung saan ako galing, sabi ko "galing ako ng Makati, opisina, ikaw?". Galing din daw siya ng opis. Kinuha niya number ko at binigay ko naman, at aba naka Blackberrry. Kinuha ni-type niya ang number ko sa telepono niya, pero hindi ko nakita kung ni-save ba niya o hindi. Nagpaalam na siya at sumakay ng jeep pauwi sa kanila at ako ay sumakay ng jeep pauwi sa tirahan ko.

Gusto ko ang eksena nyo sa regalado.
ReplyDeletemore lakad more fun.lol
exciting encounter :)
ReplyDeleteAng daming tinginan na nangyari.
ReplyDeleteNatawa naman ako sa baklang-bakla ang shoes. haha!
ang tanong... nag text na ba???
ReplyDeleteMag benadryl/caladryl ka nga :-P
ReplyDeletei wnder whts the kasunod?
ReplyDeleteParehas kayo sigurong nag-aalangan. Hindi mo kinuha number niya?
ReplyDelete@Neneng Kilabot: Naman!
ReplyDelete@Harvey: True!
@Charles: Eh kasi totoo naman, bottom siguro 'yun.
@The Chemistry Guy: Hindi siya nagtext. So ayun.
@Shimofuri: Jusko, ngayon lang.
@Conio: Wala nang kasunod. Yun lang 'yun.
@Ryan: Hindi e, I'm not that into him.
nahilo ko sa "nilagpasan" part. sa isip ko para kayong sumasayaw,
ReplyDeleteako ang napagod ako sa haba ng nilakad nyo at pakiramdaman ha?
ReplyDeletemalay mo pareho kayo ng katayuan at health condition. At malay mo nakatadhana kayo para sa isa't isa...
Baka naman kapag taken ka na mawala ka na sa blog at twitter. hahaha.
@Victor: Ako rin eh. Haha!
ReplyDelete@Darwin: Wala, wala na siya, dumaan lanbg yun na parang usok sa kawalan. Anyway, kapag may jowa na ako, tuloy pa rin ang twitter at blog syempre!
naku paranoid din ako sa mga ganitong titigan portion. hindi ko malaman baka kasi majombag aketch. hehe ;p
ReplyDeleteTurn off na nung tinanong ka kung may kasama ka ba sa inyo. #alamna Wala, hindi seryoso yun.
ReplyDelete