Saturday, October 29, 2011

Pagbubuka at pagbubukas


Hindi ako magpapa-pako sa tawag at pansin
Ng kung anu man ang tingin sa akin
Ng publikong punong puno ng pagtingin
Sa kung anu ang naayon sa atin.

Gaano man kahirap angkinin 
Ang dati kong pagtingin 
Sa sariling nilamon ng pangungutya
Mata ko'y ibubuka, at ibabalik ang tiwala…

Sa sarili ko, na ang tanging gusto,
ay ang makalaya ng husto.

1 comment:

  1. This piece reminds me of a poem by Joy Barrios entitled "Ang mga Babaeng Namumuhay ng Magisa" whose last lines go like this:

    "Hayaan akong mamuhay nang payapa,
    nang hindi ikinakabit sa aking pangalan
    ang mga tawag na pagkutya...Babae man akong namumuhay nang mag-isa"

    ReplyDelete