Monday, November 22, 2010

Violent reaction

I just want to reply to some comments in my previous posts. I'm sorry, but I just can't get over it if I will not react.

Post
November blues and Christmas hues
Comment
"importante ang pera para mabuhay pero di mahalaga yan dahil di mo madadala sa langit yan . importante ay mahalaga na maging msaya ka oo madame nagagawa ng pera pero naisip mo ba na yan ang sisira sau pag dating ng panahon? siguro its abt time na maging masaya ka kung ano meron ka. wla masamang maghangad ng mas mataas pero kung ang pag hahangad ay ang bagay na lalong sisira sa pangarap mo ay walang mangyayari sa pinaghirapan mo. move on and dream pero wag maging sakim sa karangyaan dahil kahit isang katutak ang pera mo kung di ka naman masaya wala din yan o kung may pera ka masaya ka nga pero ang kasiyahan nababalutan ng salapi baliwala. mabaet kang tao matalino di ang pera ang magpaasunod sau. dahil kahit mag ipon ka ng todo kung dumating panahon lilisan ka san mo gagamitin yan baka pag awayan lang yan ng iiwanan mo."
Reply
Kilala mo ba ako? Alam mo ba kung saan ako nanggaling? Alam mo ba ang mga pangarap ko sa buhay? Siguro sa mga pinagsasabi ko sa blog ko eh mistulang "materialistic" akong tao. Oo, inaamin ko, "materialistic" nga ako, at hindi ako nakukuntento, dahil ambisyoso ako. Ang pagiging ambisyoso ko ang siyang naging susi para makamtan ko ang mga pangarap ko. Ang pagiging mahirap ko nung pagkabata naman at ang mga ambisyon ko ang nagtutulak sa akin para abutin ang mga pangarap ko. Pera, isang bagay na nagpapaikot sa mundong ito, isang bagay na kapos ako noon, isang bagay na importante sa akin ngayon. Maaring hindi nga nabibili ang tunay na kaligayahan, pero nabibili niya ang mga pangangailangan ko at higit pa. Ang pera ay hindi ko nga madadala sa langit, pero lubos na kailangan ko ito para mabuhay ng maayos at hindi nagugutom sa mundong ito. Higit sa lahat, pera ang nakapagbigay sa akin ng mga pangarap ko, at pera din ang makakabili ng mga iba pang bagay na gusto ko at pinapangarap ko pa. Pera din ang kailangan nating lahat para hindi ipagtabuyan at hindi pabayaan sa isang ospital kapag isa sa mga mahal natin sa buhay ay nagkasakit. Maaring maging dahilan ng gulo, kasakiman o pagkasira ng buhay ang pera, pero ito rin ang siyang bumubuhay sa ating lahat.

Post
Pandemonium black
Comments
"lumaban at magmahal
sa pagpapatawad dun mararamdaman ang tunay na pag mamahal.
Someone can drive you pero kaw dapat sa sarili m na dapat matuto kang magpatawad at maging tapat. Sa pag kukubli sa dilim paglala ng iyong sakit ang magiging sanhi.
Dude kip it up galing m sumulat sana mas maganda kung tunay na kulay ng bulaklak ang nilagay m."

"sayang ung ganda ng flowers mas maganda kung may kulay yan dahil ang intensyon ng nagbigay pasiyahin ka di gawing miserable ang buhay mo.

go with colors it will make your dreams come true"

Reply
Halatang hindi mo naiitindihan ang sinulat kong tula, pero salamat sa comment. Regarding the colors of the flowers... This is my blog, this is my world, I can create anything I want from my mind. Black is one of my favorite colors, melancholy is my cup of tea.

4 comments: