Friday, October 1, 2010

Chicken

Pakagising kahapon ng hapon, eh manok na ang gustong kainin ni P. Sige fine, treat ko siya kasi kakasuweldo ko lang. Sabi ko mall tayo, gusto niya kasi classic na fried chicken, fine... "Mag Max tayo" sabi ko. Eh napansin ko na kulang na kami sa oras at malapit na akong ma-late, so naligo na ako, nagbihis, at lumarga na kaming dalawa papunta sa Fairview. Pagkatapos kong magwithdraw eh sa Mcdo na raw kami kumain, pero tatawid pa kami, kaya napunta kami sa JOllibee. Ang bagal ng service, ang taas ng AHT! Eh sabi n P... "Miss yung big size ah",hindi yata nagets ng miss na hindi maganda, kaya sabi ko "yung malaking manok daw", sabi ng miss "ah large", hindi yung hindi maliit". Nakakainis e. Eh walang lutong malaking manok, kaya naghintay pa kami ni P ng ilang minuto. Pagkatapos naming kumain eh hinintay niya akong makasakay ng bus at iniabot ko sa kanya ang dala kong payong dahil umaambon at kinuha ko sa kanya ang jacket... na muntikan pa kaming mag-away sa gitna ng daan dahil lang dun. Anyway, nakasakay na ako ng bus papuntang opisina, late na naman ako, 2 minutes lang naman.

May nakatabing pagkain na sa akin sa office, handa ng mga ka-teammates ko na nagbirthday, may fried chicken, beef with mushroom, morcon, cup cakes, banoffee cake, coke, lumiang shanghai. Pagkatapos ng 2 oras na pagttrabaho eh nagpaalam ako sa kasam ko sa shift na magbreak, pero sa totoo eh maglulunch na ako. Naka 3 rice ako. Oo sige, ang takaw ko na.... Diet e.

Ilang oras pa ang dumaan, mga apat yata. My libreng pagkain naman para sa lahat ng nakashift sa amin, fried chicken para sa lahat. Maya-maya, may dumating na mascot, chicken. Isang dambuhalang manok na naglalakad at naka smile.

Alas-singko ng umaga, pagpunta ko sa kabilang dulo ng "room" namin para mag-ayos ng gamit at magpahinga ng konti pagkatapos maglogout, may nakita akong isang lalagyan ng pagkain, wow, ang daming laman, chicken pa rin. Kinuha ko at inayos, inuwi ko na at pasalubong kay P. May 2 stubs pa ako ng libreng pagkain, sige kukunin ko na ang chicken.

May uwi ako na tatlong balot ng chicken sa condo para kay P. Kulang na lang eh tumilaok ako sa dami ng kinain kong manok ngayong araw na ito.

Yun lang, gusto ko lang i-blog.

No comments:

Post a Comment