Friday, December 9, 2011

Nang dahil sa isang commercial: Coca-Cola Where Will Happiness Strike Next: The OFW Project

Wala ako halos alaala ng aking kabataan na kasama ang daddy ko. Dahil dalawang taong gulang pa lang pala ako nung umalis siya papuntang Saudi. Umuuwi siguro siya, pero bibihira. Ang kaibigan kong si Astro na nagtatrabaho sa Singapore ang nagsabi sa akin na panoorin ko raw ang bagong commercial ng Coke. Naantig ang damdamain ko, lalo na yung tatay na mahigit isang dekadang nagtatrabaho abroad. Mahigit isang dekada rin na nagtrabaho ang daddy ko sa Saudi. Ilang taon ng aking kabataan ang hindi niya nakita, ang hindi niya nasubaybayan. Nung nagkita kami, malaki na ako. Parang si tatay Joey Doble sa commercial, kay tagal din niyang nawala at malaki na ang bunso niyang anak nung makapiling niya, ako naman ay highschool na nung makita ko muli ang daddy ko. Yun nga, nang dahil sa isang commercial ay naantig ang damdamin ko at kaya ako bumangon agad sa kama at ni-blog ko itong commercial na ito

Iba nag tama ng commercial na ito sa akin. Ngayon na lamang kami nagkakakilanlan ng daddy ko.


Para sa lahat ng mga OFW na nagtatatrabaho para sa kanilang mga pamilya, sige lang, kayod lang. Mahirap, pero maraming kayong biyayang naipaparating sa inyong mga mahal sa buhay. Marami kayong sakripisyo sa buhay bilang sobrang layo niyo sa inyong pamilya, pero alang-alang sa pagmamahal, gagawin niyo lahat ng iyan. Alam kong ibang klase din ang katatagan ng loob niyo. 

Mabuhay kayong lahat!






2 comments:

  1. Nagtrabaho rin yung tatay ko sa saudi sa halos buong 25 years na, lumaki rin akong walang tatay, pero kahit paano nakaka-uwi rin siya pag may pagkakataon yung leave in na break kung pinayagan sila nung kumpanya sagot na yun nang kumpanya, sanay na rin ako hindi ko na alintana yun'

    ReplyDelete
  2. nyemas! naiyak na naman ako sa blog mo..

    ReplyDelete