Monday, December 12, 2011

Musikang sariling atin, tila tinangay na ng hangin.

Ang daming nahuhumaling sa mga imported na kanta, isa na ako doon, pero tinatangkilik ko at todo supporta naman ang binibigay ko pagdating sa musikang sariling atin. Nakakalungkot lang makita at isipin na tila wala masyadong supporta at kasikatang naibibigay sa mga lokal nating musikero at musikera na hamak na mas magaling pa sa kahit sinung sikat na imported na mangangawit ngayon. Malaking bagay din kasi ang timpla ng panlasa ng mga Pilipino, kaya hindi masyadong nabibigyan ng airplay ang karamihan sa mga lokal nating musikero. Yung ibang kantang imported na pinapatugtog sa radyo ngayon ay walang kalaman-laman kung hindi puro kahalayan, seks, panlalandi, at kung anu-anu pang kakornihan sa buhay tapos i-auto-tune pa ang boses, jusko, ganyan na ba kababa ang kaledad ng mga musika ngayon? Tulad na lang ng isang kantang sikat na sikat ngayon na kinanta ng isang babae, na puro panlalandi lang naman ang laman ng kanta, anung paki ko sa malalaki mong suso o sa mga nag-gagandahang katawan ng mga lalake sa music video mo? Wala.

Sana ay bigyan naman natin ng pansin at pagkakataon ang mga lokal nating musikero at muli nating bigyang buhay ang lokal na industriya ng musikang Pilipino.

Tuwing Sabado sa Jam 88.3 mula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng hapon, ay wala silang pinapatugtog kung hindi mga kantang Pilipino, Tagalog man o Ingles, lahat ay sariling atin. Makinig kayo at pakinggan ang galing ng ating mga solong mangangawit at mga banda, at sana ay magkaroon ng bagong mukha ang musikerong Pinoy sa puso at isip niyo. 

Narito ang sampung music videos na mga paborito kong pakinggan at panoorin. Yung iba sa kanila ay kilala at alam niyo na, yung iba, hindi ko alam kung kilala niyo na; pero sana ay panoorin niyo at baka o sana ay mahumaling kayo sa musikang gawa ng mga kapwa Pilipino.












1 comment:

  1. Tama andaming mga banda, mga musicians na alam kong magagaling, madalas na mainstream ay "sasabihing magaling kang kumanta pag na hit mo yung high note" tama rin yun' dahil it's a feat.

    Pero hindi lang din' naman sa mga high note nakikilala ang isang awit, ang importante rito ay yung nais iparting at talaga namang ma mo-move ka sa ganda na melodiya.

    Naging sakit na rin nang maraming Pilipino ang hindi pag-kilala sa ating kultura, napakaganda ngunit dahil nga mas sikat at may trend hindi natin nabibigyan ng pagpapahalaga.

    ReplyDelete