Salawahan ang katawan ko
Sa umaga nasa'king piling
Ngunit ninanakaw ng dapithapon
Sa paglubog ng araw ay ang paglisan ng kabutihan
Magnanakaw ang gabi
Butil-butil ng pawis ang binubuwis
Sa magdamag, tulog ay malimit
Nanginginig sa lamig sa kuwartong mainit
Pagpalo ng araw sa akin ay siya muli
Ang kinagabihan; kathang isip
Ngunit ang puso may sinasambit
Ang dapithapon nanakawin siyang muli
Isang tulang contribusyon ng isang kaibigang nasa malalim na karamdaman ngayon. Magpagaling ka kaibigan.