Freshmen tayo noon, unang araw ng klase, nakita kitang nakaupo sa bandang likod ng classroom malapit sa malalaking bintana na tanaw ang isang malaking mall na kilalang tambayan ng mag estudyante ng kolehiyo natin. Ang ganda ng bagsak ng liwanag sa iyong mukhang nakadungaw sa labas, suplado ka 'nun, at wala kang kinakausap. Naisip ko na parang kilala kita noon pa, kaya ako ay lumapit sa kinaroroonan mo at tinanung ko kung may nakaupo na sa tabi mo. Nagpakilala ako at tayo ay nag-usap, napagalaman natin sa isa't isa na magka-eskuwela pala tayo noong highschool, ngunit lumipat ka ng paaralan kaya hindi kita nakilala. Hanggang first year highschool lamang pala tayo naging magka-eskwela. Nagpakilala ako, at nagpakilala ka, gandang ganda ako sa pangalan mo. Simula noong araw na iyon ay hindi na halos tayo nagkakahiwalay sa loob ng kolehiyo.
Sa walong subjects ko, anim doon ay kaklase kita. Parati akong late sa unang subject natin sa umaga, at sa tuwing darating ako sa klase ay may naka-reserba nang upuan para sa akin na nasa palaging kaliwa mo. Magkatabi tayo sa lahat ng subjects na magkaklase tayo, ako ay palaging nasa kaliwa mo, hindi ko alam kung bakit. Naalala ko pa ngang nagkokopyahan pa tayo ng tuwing may quiz.
Naging malapit tayo sa isa't isa, at tayo ay naging mag-best-friends pa, at alam ng lahat iyon. Pinagdadala mo pa ako minsan ng baon at ganun din ako sa iyo kapag may dala akong pagkain. Lahat ng bagay ay share tayo. Tuwing walang professor ay hindi tayo magkandaugaga sa kakadaldalan na tila walang pakialam sa iba nating kaklase. Hindi ko pa nga nakakalimutan na palagi mong sinasabi sa akin na kamukhang kamukha ko ang isang sikat na Ice Hockey player sa Canada.
Dumating ang panahong gabi-gabi ay nagtetext ka ng good-night at tuwing umaga ay may good-morning akong matatanggap sa text. Gusto ko yun bigyan ng malisya, pero ayoko, dahil mag-best-friends nga tayo, normal lang naman iyon yata kahit sa magkaibigang lalake. Ang alam ko noong mga panahong iyon ay may girlfriend ka, dahil may litrato kayo ng girlfriend mo sa binder mo; ang ganda ganda nga niya, at ang saya-saya niyo sa larawang iyon. Nakaipit ang litrato niyong dalawa sa cover ng binder mo.
Matatapos na ang isang trimester, malapit na ang final exams 'nun, at wala tayong professor kaya pumunta tayong dalawa sa malapit na mall para magpalipas ng oras habang naghihintay ng susunod na klase. Hindi ko na halos maalala kung paano mo sinabing hindi mo girlfriend ang nasa larawang nakaipit sa binder mo, at bigla mo akong inakbayan. Iba ang pakiramdam ko 'nun sa iyo, may malisya na, at hindi ko alam kung bakit at kung ano, pero... Parang binuksan mo ang isang pinto ng iyong pagkatao sa akin noong araw na 'iyon. Walang pasok ng ilang araw, hindi ka nagparamdam sa akin ng Sabado at Linggo. Nagtetext ko sa iyo, ngunit hindi ka nagrereply, tinatawagan ko ang cellphone mo, pero hindi mo rin sinasagot.
Dumating ang araw ng pagsusulit. Late na naman ako, at walang nakaupo sa tabi mo, andun pa rin ang reserbang upuan, ngunit hindi mo ako kinibo hanggang sa mag-uwian na. Laking pagtataka ko kung anu ba ang nagawa ko sa iyo? Pero hindi mo na ako kinakausap.
Araw na ng kuhanan ng class cards. Habang ako ay nakatayo at nagtetext sa gitna ng corridor at hindi magkanda-ugaga ang mga kaeskwela natin sa kakakuha ng class cards nila sa iba't ibang classrooms, ay bigla mo akong niyakap ng mahigpit, at sobrang tagal. Ang bango mo, na-miss ko ang amoy mo. Nilapit mo ang iyong mukha sa aking kanang tenga at bumulong ka ng "sorry". Tinaggal mo ang iyong kamay sa pagkakayakap sa akin at bigla kang tumalikod. Wala akong nasabi, hindi ako makagalaw noong mga sandaling iyon; hanggang sa naglaho ka sa dami ng mga tao sa paligid natin. Iyon na pala ang una at huling yakap na mararanasan ko mula sa iyo.
Sampung taong ang nagdaan at ikaw ay nagparamdam sa Facebook gamit ang ibang pangalan, isang alias. Hindi kita maalala, hanggang nung sinabi mo ang pangalan ng isang Ice Hockey player, at nung ni-search ko iyon sa Google, ay kamukha ko. Ikaw ang nawawala kong best friend nung college. Nagbalik ang mga alaala ko sa iyo, ang mga alaala natin. Medyo matagal din tayong nag-usap at nagkamustahan, matagal ka na palang nasa ibang bansa at sabi mo pa nga ay nagka-boyfriend ka pa. Single ka noong mga panahong iyon, kaya laking tuwa ko, kasi single din ako. Hindi na ako nagtanung kung anu ang namagitan sa ating dalawa noong nasa kolehiyo pa tayo, hindi ko na rin tinanung ang pagkatao mo. Nabuhay ulit ang kumunikasyon nating dalawa, at araw-araw tayong nag-uusap sa Facebook. Palagi kitang inaabanagan na naka-online, at palagi tayong nag-uusap. Hanggang sa naging busy ako at ganun ka rin, nawalan tayo ulit ng kumunikasyon. Makalipas ng ilang buwang hindi pag-uusap ay sinubukan kong hanapin ka ulit sa Facebook, na gamit ang tunay mong pangalan. Kinasal ka na pala, at may mga anak na.

Naiyak ako dito :(
ReplyDeletebat siya nag sorry noon?
ReplyDeleteHindi ko alam, hindi ko na rin inalam. Siguro dahil sa aalis siya.
Deleteawww!!!
ReplyDeletesayang naman.. hayyyy :(
pero why did he just leave nung college? i mean things were going great sa inyo diba... :(
Things were great between us, I guess he has his own issues to address, and I will just be another roadblock. Hindi ko na inalam kung bakit niya kailangan lumisan.
Deletesiguro nga may issues s'ya sa sarili n'ya. usually that's what it is eh.
Deleteanyway it's still good, at least you guys got to talk with each other after several years and got to know what's up with him these days...
pwede bang maki-relate sa kwentong 'to?
ReplyDeleteJust wondering, what would you have done differently had you known that it was gonna end this way? This is really sad :(
ReplyDeleteA very sad story..makes me wanna cry!! Pang star cinema..
ReplyDelete